UNANG PARTE
ANG PAGPAPASARA NG MGA MINAHAN: ANG DESISYON MULA SA KALIHIM NG DENR
By Aiza Rendon and Ira Y. Cruz (edited by Jun Del Rosario)
Mula sa apatnapu’t isang (41) large-scale mining sa Pilipinas ay dalawampu’t tatlo (23) dito ang ipinasara at 6 ang ipinasuspinde kamakailan lang ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez matapos ang isinagawang mining audit ng ahensya.
Kabilang sa mga lugar na apektado ng mining closure ay ang Zambales, Samar, Dinagat at Surigao.
Sinagot din ni Lopez kung bakit hindi kabilang sa mga ipinasarang minahan ang SR Metals Inc. (SRMI) sa Agusan na kilalang pag-aari ng ilang miyembro ng Liberal Party.
“When we passed it, there was no siltation it so clean eh from above. I flew over everything. I was even towing with the fact of just letting them go on, they have two more years to go, and in 2 years we can use their SDMP fund to really kick ass the entire economy there, but the people ayaw nila, ang sabi ko even if it’s clean how can we go against the people here, they really don’t want it.”
Ang desisyon ni Secretary Lopez ay maituturing na mabigat sapagkat maraming mga malalaking kumpanya ng minahan ang kanyang babanggain, ngunit nanindigan ang kalihim.
Aniya, labinlima (15) sa 23 minahang ipinasara ay malapit o kaya ay nasa loob mismo ng pinagkukunan ng tubig ng komunidad.
Halimbawa na lang aniya ang nangyari sa Zambales kung saan 4 na minahan ay magkakadugtong sa loob ng watershed.
Binigyang diin nito ang polisiya ng DENR na bawal ang minahan sa isang functional watershed.
“Nasa loob sila ng watershed that’s the reason why we closed it because it directly puts at risk the quality of life of the people. Tinanong ko ang tao ko, bakit pinayagan ito? Kasi daw hindi proclaimed watershed…the law does not make a watershed a watershed, a watershed is a watershed because it functions as a watershed. Whether the law has proclaimed it or not, it’s a watershed and to do any kind of extractive industry near rivers and streams inside the watershed, that’s really scary, the peoples’ lives will be at risk and no amount of money a company made can be worth that risk.” Pahayag ni Lopez
Kasabay nito ay pinasinungalingan din ni Lopez ang ulat na higit isang milyong trabaho ang mawawala sa pagsasara ng mga minahan, aniya, umaabot lang sa 0.6 percent na kabuuang trabaho ang naibigay ng pagmimina.
Ikinumpara pa ito ng kalihim sa trabahong ipinagkakaloob ng turismo sa mga Pilipino, na namamatay aniya dahil sa maduming pagmimina.
“Mining is not labor intensive, it is capital intensive, how can it be a million over so many years, from BIR figures in 2014, mining has given ₱ 82.4 billion in terms of money and 235,000 jobs over a span of 34 years, this is what I know in terms of employment it only has employed 0.6 percent employment of the total, not even 1 percent so I don’t know where they get it. In contrast to mining, tourism has given ₱ 982.4 billion of GDP and 4.7 million jobs, just compare.” Ani Lopez
Samantala, itong naging pahayag ni Lopez ay tumatalima rin sa ulat ng Philippine Extractive Industries Transparency Initiative (PH-EITI) taong 2016 kung saan lumalabas din na 0.6 percent lamang ang total employment rate ng sektor ng pagmimina sa bansa.
LINK ng kabuuang ulat: Mining Impact and Short Term Economic Impacts of Mine Closures _Bantay Kita
Binigyang diin ni Lopez na hindi siya kontra sa industriya ng pagmimina ngunit aniya sa isang lugar kagaya ng Pilipinas na napapaligiran ng tubig ay lubhang masama ito.
Ipinunto din ng kalihim na halos lahat ng kinikita ng mga minahan ay napupunta lang din sa may-ari nito.
“From the mining law is that 82 percent of the net income goes to the mining companies whatever they give pumupunta sa kanila, 95 percent of that 82 percent goes out of the local economy but they suffer and the money goes out, so parang sobrang lugi tayo diyan. I’m not against mining as an industry because it has role to play but I really think in our country of 7,000 islands na may ilog, dagat, maraming tao, it’s very hard, the mining that can be done in Canada and Australia is not appropriate here.” Paliwanag ni Lopez
Sinabi pa ni Lopez na handa naman ang DENR na makipagtulungan sa mga minahan na sumusunod sa mga itinakdang panuntunan, sa mga hindi sumisira sa kapaligiran at sa buhay ng tao.
Binanggit din ng kalihim na uubrang magamit ang pondo ng SDMP ng mga kumpanya (Social Development and Management Programs) para sa pagpapaunlad ng mga komunidad sa paligid ng isang minahan.
“I went to Rio Tuba (Palawan) they have a school, a hospital, their mined-out area they’ve made it into a mangrove garden, yung mga ganun nakapasa. I even want to help them use their SDMP (Social Development and Management Programs) fund to have an even greater impact in the area. I’m not fighting with the mining industry, I want to work with them.”
(Abangan ang ikalawang yugto ng DWIZ Social Media Special Report kaugnay ng mga pulitiko at malalaking personalidad na may interes sa pagmimina)