Nasa tamang direksyon ang unang yugto ng flood management project ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinimulan ang proyekto noong 2017 at inaasahang matatapos sa 2023.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, pinondohan ang unang yugto ng world bank upang mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila.
Kasama sa proyekto ang kontruksyon at rehabilitasyon ng pumping stations sa Metro Manila. – sa panulat ni Abby Malanday