Epektibo na simula sa July 4 ang direktiba ng Department of Energy (DOE) sa mga oil company na unbundling o paghimay sa presyo ng kanilang oil products.
Kasunod na rin ito nang pagkakalathala sa diyaryo ng nasabing kautusan na nag-oobliga sa mga kumpanya ng langis na isumite ang presyo ng imported na langis, freight cost, insurance at foreign exchange rate.
Kasama ring ipinasusumite ang iba’t ibang buwis, halaga ng biofuel, iba pang gastos at mismong kinikita ng kumpanya.
Ayon kay Energy assistant secretary Bodie Pulido, layon ng unbundling na malaman kung tama o makatwiran ang pagpe-presyo sa langis.
Haharangin naman ng ilang oil firms sa korte suprema ang naturang direktiba na anila’y labag sa Oil Deregulation Law dahil may mga impormasyong hindi pwedeng malaman ng kanilang competitors.
Tiniyak naman ng DOE na sila lamang ang may access sa datos at hindi kailanman isasapubliko.