Naghahanda na ang Land Transportation Office na hulihin ang mga unconsolidated jeepney simula sa Pebrero a-uno kasunod ng pagpupulong nito sa mga regional director ng ahensya.
Nanawagan naman si LTO Chief Vigor Mendoza II na sumali sa mga kooperatiba bago mag-expire ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board Memorandum na na nagpapahintulot sa kanila na mag-operate hanggang Enero 31.
Ayon kay Chief Mendoza, ito’y para malaman nila kung anong suporta ang maibibigay nila gaya ng pagbibigay ng special permit upang may masakyan pa din ang mga komyuter.
Ipinag-utos na rin ng Department of the Interior and Local Government sa mga barangay officials ns pagbawalan ang mga unconsolidated jeepney na bumiyahe sa kanilang mga ruta simula sa pebrero a-uno.
Sa kabila nito, may mga tsuper na nagsabing babyahe pa rin sila kahit matapos na ang kanilang prangkisa. – sa panunulat ni Raiza Dadia