Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita ng mga Pilipino sa tradisyunal na Undas sa buong bansa ngayong araw.
Ayon ito kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac sa harap ng kanilang pagtaya sa sitwasyon sa maghapong pagtungo ng mga Pilipino sa mga sementeryo.
Sa kabila nito, sinabi ni Banac na mananatiling mataas ang alerto ng mga Pulis na nakakalat pa rin sa iba’t ibang panig ng Pilipinas upang tumugon sa anumang mga emergency o krimen.
Nagpapasalamat ang PNP sa pakikiiasa ng Publiko dahil sa pagpapanatili ng disiplina at kaayusan sa lahat ng tinatawag na places of convergence.
Katuwang ng PNP ang AFP Joint Task Force NCR maging ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagtitiyak ng seguridad at kaayusan ng Undas.