Bubuksan muli ng CBCP ang undas online para sa mga hindi makakabisita sa sementeryo sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Ito ay matapos ipasara ng Metro Manila Mayors ang public at private cemeteries, memorial parks at columbaria mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 para maiwasan ang superspreader events sa paggunita sa araw ng mga patay.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, CBCP Secretary of the Permanent Committee on Public Affairs, magbibigay sila ng liturgy para maipagdasal ang mga namatay nang kaanak kahit nasa bahay na rin.