Hindi basta-basta ang makaka-sparring ni 8-Division World Champion Manny Pacquiao bilang paghahanda nito sa laban kontra kay Timothy Bradley sa Abril.
Ayon kay Coach Freddie Roach, ilan lamang sa magiging sparring mates ni Pacquiao ay si Welterweight Frankie Gomez.
Si Gomez ay malinis na 20 wins zero loss record na kilala rin sa tawag na Pitbull.
Habang kinuha rin ni Roach ang serbisyo ni dating US Olympian at ngayo’y American Boxing federation Super Lightweight Champion Jose ramirez na may 16 na panalo kung saan 12 dito ay via knock out.
Maliban dito, nanawagan pa si Roach sa iba pang undefeated boxer na tumulong upang maihanda si Pacquiao kontra kay Bradley.
Dalawang linggo na magmula nang simulan ni Pacquiao ang training nito sa General Santos City.
Ngayong weekend naman inaasahang darating sa bansa si Roach upang simulang tutukan ang training ni Pacquiao.
By Ralph Obina