Tinaguriang “King of Asia” ang bagong international boxing federation Asia Super Featherweight Champion at undefeated Pinoy boxer na si Charly Suarez.
Ito ay matapos na talunin ang Indonesian boxer na si Defry Palulu sa naganap na sagupaan sa Vietnam.
Nabatid na natapos ang laban sa pamamagitan ng technical knockout sa pagsisimula ng 3rd round kung saan itinigil ng referee ang laban dahil sa tinamong eye injury ni Palulu.
Samantala, ikinagalak naman ni Suarez ang natamong titulo sa larangan ng boksing.