Napanatili ng Gilas Pilipins ang undefeated record nito sa Group B ng 2017 FIBA Asia Cup.
Sinelyuhan ng Gilas ang 3-0 record makaraang patumbahin ang huling kalaban sa Group B na Qatar sa score na 80-74, sa kanilang paghaharap sa Nouhad Nawfal Stadium, sa Beirut, Lebanon, kagabi.
Pinangunahan ni Matthew Wright ang Pilipinas matapos magpakawala ng 25 points habang nag-ambag ng 23 points si Mansour Elhadary para sa Qatar.
Hinihintay na lamang ng Philippine National Basketball Team kung sino ang mananalo sa sagupaan ng Japan at South Korea, mamaya.
Ang sinumang mananalo sa pagitan ng Japan at SoKor ay awtomatimong papasok sa quarterfinals at makakaharap ang Pilipinas sa Miyerkules, Agosto 16.
By Drew Nacino