Sinipa sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga opisyal ng Department of Budget and Management o DBM dahil sa korapsyon.
Sa kanyang naging speech sa anibersaryo ng National Economic and Development Authority (NEDA) kahapon, Pebrero 6, sinabi ng Pangulo na ang hindi niya pinangalanang undersecretary ng DBM ang siyang nilalapitan para makapaglabas ng pondo kahit hindi nakapaloob sa General Appropriation Act o GAA.
‘Yung budget namin Undersecretary halos sinipa ko sa mukha. I just fired him.
Ang style ng walang hiya, iakw director ka kulang ka ng pera, kausap siya doon, lakarin niya doon sa Budget [and Management department]. Ito, gobyerno talaga ‘tong pera, walang drama ito.
Magbuno siya doon, if he want to add something out of the budget or out even of the GAA, and there are some unexpected expenses, and he want to perform, he need the money, he will just call this guy because there is another guy, runner niya, he gets the money for you for approval but you give him something.
Kasabay nito, muling binanatan ng Pangulo si dating Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan dahil sa kanyang mga kwestyonableng biyahe sa ibang bansa.
[Former CHED Chair] Licuanan, every month lumalabas, kesa [kesyo] sa CHED daw kailangan ng edukasyon. ‘Wag mo akong bulahin.
Nung nakiat ko ‘yung allowances ng mga scholar ng bayan, eh kasi ginanun niya ‘yung pera eh, nahulog doon sa different main line agencies.
Sa huli ay muling binigyang diin ng Pangulo ang kanyang polisiya kaugnay sa pagbibiyahe sa ibang bansa gamit ang public funds.
PDuterte ‘di dadalo sa Asia–Europe Meeting sa Oktubre
Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika–12 Asia–Europe Meeting na gaganapin sa Brussels, Belgium sa Oktubre.
Naniniwala ang Pangulo na iinsultuhin lamang siya ng naturang okasyon dahil alam naman ng lahat ang mapait niyang relasyon sa European Union (EU) na makailang beses na niyang binanatan.
Matatandaang galit nag Pangulo sa eu dahil sa pakikialam umano ng mga ito sa kanyang polisiya at pagkundena sa mga human rights violation sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na hindi siyang magdadalawang isip na murahin kung sakaling insultahin siya ng mga ito.
Mismong the commission and the council invited me to Brussels.
For what? Kung tingin niyo sa akin ganoon noon, sabi ko, “Why change your assessment of my persona. So, why am I supposed to go there? Ask me questions? Insultuhin ninyo ako?