Gumagrabe ang underspending ng gobyernong Aquino.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni dating Budget Secretary Benjamin Diokno dahil lumalabas sa computation niya ay pumapalo na sa P500 billion pesos ang underspending ng gobyerno sa taong ito, kumpara sa P300 million pesos noong isang taon.
“About half a trillion ang underspending at lalong gumagrabe, pinakamalaking underspending last year, so nakakapagtaka.” Ani Diokno.
Gayunman, sinabi pa ni Diokno na hindi naman maaaring gumastos ang gobyerno ng lampas sa pondong ibinigay ng kongreso para sa mga proyektong una nang inaprubahan nito.
“Sa Saligang Batas natin they can only spend what Congress authorize them to spend, hindi naman puwedeng bigla naman sila mag-iisip ng bagong proyekto, hindi puwede yun, it has to be projects already approved by the Congress.” Pahayag ni Diokno.
By Judith Larino | Karambola