Binatikos ni Senador Bam Aquino ang DepEd o Department of Education dahil sa underspending nito sa kanilang pondo.
Ayon kay Aquino, maraming pera ng bayan ang nasasayang dahil hindi ginagamit ng tama ng kagawaran lalo’t malaki ang kakulangan sa mga libro at iba pang kagamitan.
Mula sa 613 bilyong pisong budget para sa DepEd ngayong taon, napag-alaman ng senador na malaking bahagi nito ang hindi nagastos.
Batay sa pagbusisi ng senador, aabot lamang sa 14 na bilyong piso ang nagastos ng DepEd na napunta sa mga learning resources tulad ng librong science at math equipment computerization at library na anito’y mas mababa kumpara sa inaasahan.
—-