Ibinalik na ng China sa Amerika ang US ang underwater drone nitong narekober sa South China Sea malapit sa Pilipinas.
Ayon sa Chinese Defense Ministry, kahapon lamang ibinalik ang drone sa US Navy sa pamamagitan ng konsultasyon sa pagitan ng dalawang panig.
Dinala ang underwater drone sa guided missile destroyer USS Mustin.
Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye si Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying sa naganap na turnover.
By Drew Nacino
Photo Credit: US Navy