Posibleng hindi umano makasama sa mandatory repatriation ang mga hindi dokumentadong manggagawang Pilipino sa Iraq.
Ayon sa isang OFW sa Iraq, 60 silang Pilipino ang direktang kinuha ng employer mula sa Pilipinas.
Hindi aniya malayo na naglagay ang kanilang employer kaya nakapasok sila ng Iraq kahit pa mayroong deployment ban sa nasabing bansa.
Sinabi ng OFW na sinabihan sya ng kanyang employer na kung nais nilang makasama sa repatriation ay magbayad muna sila ng tig-8,000 dolyar dahil yun ang halagang ginastos niya para makapunta sila sa Iraq.