Nananatili sa pinakamataas ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa ika-3 bahagi ng taon, bagama’t bahagya na itong bumaba.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 39.5 % katumbas ng tinatayan 23.7 milyong mga Pilipino ang walang trabaho nitong Setyembre.
Mababa ito ng 6 na puntos mula sa naitalang 45.5% unemployment rate noong Hulyo na katumbas ng 27. 3 milyong na Pilipinong walang trabaho.
Lumabas din sa kaparehong survey na 14% o 2 sa bawat 5 mga unemployed na Pilipino ay nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemiya.
22% naman ang nawalan ng trabaho o kabuhayan bago ang COVID-19 pandemic, 12% ang wala talagang trabaho habang 50% ang mayroon pa ring trabaho.
Samantala, tumaas naman ng 13 puntos ang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng gutom matapos mawalan ng kabuhayan nitong Setyembre na naitala sa 38.3.
Isinagawa ang survey sa may 1,249 na mga adult Pilipino sa pamamagitan ng mobile phone survey mula Setyembre 17 hanggang 20.