Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagkakaroon ng trabaho kasabay ng naitatalang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ito’y makaraang lumabas sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA na bumaba sa 5.5 percent ang jobless o unemployment rate ngayong taon.
Mas mababa ito ng 0.8 percent na naitalang unemployment rate sa bansa kumpara sa naitala noong isang taon.
Magugunitang inihayag ng NEDA ang pagtumbok sa target na 5.5 percent na unemployment rate na mas mataas pa sa target na 6.5 hanggang 6.7 percent ng pamahalaan.
By Jaymark Dagala