Dumami ang bilang ng mga may trabaho sa Pilipinas.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, umakyat sa 96.4% ang employment rate sa bansa noong Nobyembre.
Katumbas ito ng 49.64 milyong Pilipino na mayroong trabaho.
Kaugnay nito, sumadsad sa 3.6% ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas noong Nobyembre, kumpara sa 4.2% kaparehong panahon noong 2022.
Paliwanag ni PSA National Statistician Undersecretary Claire Dennis Mapa, isa ang transportation sector sa nakalikha ng maraming trabaho. - sa panulat ni Charles Laureta