Masayang ibinalita ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa.
Inihayag ito ni Labor Secretary sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng House Appropriations Committee para sa pondo ng DOLE sa susunod na taon.
Sinabi ng Kalihim, naitala na lamang sa 6.4 percent ang bilang ng mga walang trabaho ngayong taon kumpara sa 7.4 percent noong 2010.
Malaking bahagi aniya nito ay ang mga Pilipinong pinalad na makapagtrabaho sa ibayong dagat dahil sa pagbubukas ng milyung-milyong trabaho para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW’s.
By Jaymark Dagala