Bumaba sa 6.5% ang unemployment rate sa bansa noong Nobyembre 2021 mula sa 7.4% noong buwan ng Oktubre.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief Claire Dennis Mapa, nasa 3.16 million na edad kinse pataas ang walang trabaho noong Nobyembre nang nakaraang taon.
Mas mababa ito sa 3.5 million unemployed na naitala noong Oktubre 2021.
Sinabi naman ni Mapa na ang November unemployment rate ang pinakamababa simula nang mag-pandemya. —sa panulat ni Airiam Sancho