Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong Hulyo.
Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA , naitala ang 5.4 na unemployment rate nitong Hulyo na mas mababa kumpara sa 5.6 percent na bilang ng mga walang trabaho sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, tumaas naman ang underemployment ang mga manggagawang naghahanap ng dagdag na oras sa pagtatrabaho o mismong dagdag na trabaho para madagdagan din ang kanilang kita.
Mula 16.3 na underemployment noong Hulyo ng nakaraang taon, umakyat sa 17.2 percent ang underemployment nitong Hulyo.
Ayon kay Ateneo Graduate School of Business Professor Wilfrido Arcilla, nakakabaha ang pagtaas ng underemployment sa bansa.
Nangangahulugan aniya ito na marami sa mga kasalukuyang empleyado ang naghahanap pa ibang trabaho para ibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
—-