Nanatili sa 6.4% ang unemployment rate sa bansa sa buwan ng Pebrero 2022.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Dennis Mapa, umabot sa 3.13-M ang mga Pilipinong walang trabaho, mas mataas sa 2.93-M noong Enero 2022.
Mas mababa naman ang unemployment rate noong Pebrero 2022 kumpara sa 8.8% ng 4.19-M Pilipino noong nakaraang taon.
Samantala, ang paglobo ng unemployment ay bunsod ng pandemya at lockdowns na nagsimula noong 2020. —sa panulat ni Airiam Sancho