Bumaba sa 7.1% ang unemployment rate sa bansa sa buwan ng Marso.
Ito ay batay sa pinakahuling labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan katumabas ito ng 3.44-milyong Pilipino na walang trabaho.
Mababa ito kumpara sa 8.8% o 4.19-million unemployed Filipinos noong Pebrero.
Ito na ang pinakamababang naitalang unemployment rate simula noong Abril 2020 na kasagsagan ng pandemya kung saan umabot sa 17.6% ang unemployment rate.