Nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa nakalipas na isang taon.
Batay sa Labor Force Survey o LFS ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala nila ang 5.3 percent unemployment rate nitong Enero ng taong ito, mas mababa kumpara sa 6.6 percent noong January 2017.
Gayunman, pinuna ng PSA na tumaas naman ng dalawang porsyento ang underemployment rate.
Ayon sa PSA, 18 percent ang underemployment rate hanggang nitong Enero ng taong ito samantalang 16.3 percent lamang noong Enero ng nakaraang taon.
Itinuturing na underemployed ang isang manggagawa kung nagnanais pa itong magkaroon ng dagdag na oras sa kasalukuyang trabaho o kaya ay naghahanap ito ng dagdag na trabaho.
—-