Tumaas ng 6.1 percent ang unemployment rate nitong buwan ng Abril.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, katumbas ito ng 2.6 na milyong mga Pinoy na walang trabaho.
Lumalabas na mas mataas ito ng 100,000 mula sa unemployment rate na naitala noong Enero na nasa 2.5 million.
Gayunman, bumaba naman ang bilang ng mga underemployed na Pinoy na nasa 7.35 million mula sa 7.88 million noong Enero.
By Ralph Obina