Tumaas ang unemployment rate sa bansa sa 6% noong may 2022.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief Claire Dennis Mapa, sumampa sa 2.93 million Pilipino ang walang trabaho sa nasabing buwan, mas mataas ito kumpara sa 5.7% o katumbas ng 2.76 million Pilipino ang unemployed noong April.
Nasa 14.5% naman ang underemployment rate noong Mayo na mas mataas sa 12.3% noong nakaraang taon.
Samantala, sinabi ng PSA na ang services sector ang bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng labor force na may 59% ng 46.08 million ng populasyong may trabaho.