Tumaas ang unemployment rate noong ikalawang quarter ng taon o simula Abril hanggang Hunyo, batay sa Social Weather Stations o SWS survey.
Sa SWS survey na isinagawa noong June 23 hanggang 26, 22.2 percent ang unemployment rate o katumbas ng 10.5 million adult Filipinos.
Kumpara ito sa March survey na 22.9 percent o 10.4 million unemployment rate.
Ang mga unemployed ay binubuo ng 5.7 million adults na nag-resign sa trabaho; 2.9 million adults na nawalan ng trabaho at 1.8 million adults na first-time job seekers.
By Drew Nacino