Hindi apektado ang work force ng bansa sa kabila ng kautusan ng pamahalaan na ipasara at suspindehin ang mga mining companies sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Department of Finance o DOF sa harap na rin ng pangamba ng ilang miyembro ng gabinete hinggil sa negatibong epekto ng ginawang hakbang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa panig naman ni Environment Secretary Gina Lopez, muli niyang iginiit na tama ang kaniyang naging pasya na dumaan sa due process at naaayon sa itinatadhana ng batas.
“I feel that genuine economic growth comes with area development. Air development is when you take a particular area and you see the potential of the area and you nurture and develop that potential for the people of that area then we can eradicate poverty in our country”, paliwanag ni DENR Secretary Gina Lopez.
By Jaymark Dagala / Avee Devierte