Halos 90% ng kaso nang pagpaslang sa mga mamamahayag ay hindi pa nareresolba.
Ayon ito sa UNESCO kaya’t nananawagan sila sa gobyerno ng mga bansa na puspusan ang gawing pagkilos para matiyak na maiimbestigahan ang mga pagpaslang sa Journalists at matutukoy at mapapanagot ang mga nasa likod ng mga naturang krimen.
Binigyang diin ni UNESCO Director General Audrey Azoulay na hindi mapo-protektahan ang Freedom of Expression kung nananatiling mataas ang hindi pa nareresolbang kaso nang pagpatay sa mga mamamahayag.
Tinawag na ‘shockingly high’ ng UNESCO ang bilang ng mga journalist killings sa buong mundo sa ipinalabas nitong report kaalinsabay ng paggunita ng International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists.