Binigyang-diin ng Department of Transportation (DOTr) ang malaking pagbabago sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pahayag ng DOTr matapos ilarawan ng Bounce Luggage Storage sa kanilang pag-aaral ang NAIA bilang ‘worst business class airport’ sa buong mundo.
Ayon sa ahensya, ang pag-aaral na ito ay negatibo at walang katibayan.
Sa katunayan aniya, sa ginawang pagsasaliksik ng DOTr, wala naman silang nakitang kahit anong review o rating sa businessclass.com na may kinalaman sa NAIA.
Maliban dito, sa ilalim din ng pamumuno ni Transportation Secretary Arthur Tugade, nawakasan nito ang matagal nang isyu ng “Laglag-Bala” extortion scheme at ‘’bukas-bagahe’’ na siyang sumira ng reputasyon ng nasabing paliparan.
Giit ng DOTr, hindi dapat ipinasasawalang bahala ang mga remarkable developments na nagawa sa NAIA para mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa publiko.