Nagsanib pwersa ang (UNFPA) United Nations Populations Fund, (PLCPD) Philippine Legislators Committee on Population and Development Foundation Incorporated at POPCOM para palakasin ang kampanya sa isyu ng unintended pregnancy sa bansa.
Katuwang ang DSWD, DOH at DepEd, isinulong sa isinagawang forum ang pagbibigay ng mas kumprehensibong mga paraan para ma protektahan ang mga kabataan sa unintended pregnancy na bumaba ang kaso dahil na rin sa masigasig na pagkilos ng popcom bilang nangungunang ahensya sa usapin ng populasyon.
Ikinakasa ng mga kinauukulan ang proteksyon sa mga kabataang nakaranas ng teenage pregnancy na anila’y hindi lamang women issue kundi kailangang maisulong ang mga usapin ng maternal child care, social protection at pag i invest o pagtutok sa mga kababaihan para magsilbing modelo sa women empowerment.
Sa pamamagitan nito anila ay matuturuan at mabibigyan ng tamang impormasyon ang mga kababaihan para sa kalayaan nito sa self care at maging ang mga magulang na gumagabay sa mga kabataan upang maging responsable sa kanilang mga sarili.
Kasabay nito, umapela ang mga nasabing ahensya sa publiko na tumulong para matutukan at masolusyunan ang isyu ng unintended pregnancy sa bansa.