Pinuri ng UN High Commissioner for Refugees o UNHCR ang plano ng Pilipinas na kupkupin ang mga Afghan refugee sa gitna ng kaguluhan sa Afghanistan.
Ayon sa UNHCR, handa silang makipagtulungan sa gobyerno ng Pilipina lalo sa refugees and stateless persons protection unit ng Department of Justice sa pagpoproseso ng mga application ng mga Afghan.
Binigyang-diin ng nasabing UN body na hindi na bago ang pagkupkop sa mga refugee dahil makailang beses na itong ginawa ng pilipinas at halimbawa na lamang nito ay noong World War 2.
Magugunitang pinagkalooban ng asylum sa Pilipinas ni dating Pangulong Manuel Quezon ang libo-libong Hudyo upang matakasan ang pagmamalupit ng mga Nazi na pinamumunuan ni German Chancellor Adolf Hitler.
Samantala, nagpasalamat din ang International Agency sa mga filipino na naglunsad ng humanitarian work sa Afghanistan kahit mayroong COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Drew Nacino