Halos 2 bilyong dose ng COVID-19 vaccines ang ipapadala ng UNICEF sa mga developing countries sa susunod na taon sa tinaguriang mammoth operation.
Sa gitna na rin ito ng pangako ng world leaders ng makatuwirang pamamahagi ng bakuna.
Ayon sa UNICEF, nakikipag-ugnayan na ito sa mahigit 350 airlines at freight companies Apra Mai deliver ang mga bakuna at 1 bilyong syringe sa mga mahihirap na bansa tulad ng Burundi, Afghanistan at Yemen bilang bahagi ng Covax, ang global COVID-19 vaccine allocation plan katuwang ang World Health Organization.
Sinabi ni Etleva Kadili, director ng supply division ng UNICEF na mahalagang magkatulungan at magsanib puwersa para masiguro ang sapat at maayos na transportasyon para sa delivery ng mga bakuna sa naturang mammoth operation.
Tila nag uunahan naman ang drugmakers at research centers para maka develop ng bakuna kontra COVID-19 sa pamamagitan ng clinical trials.