Ikinababahala ng United Nations Childrens Fund (UNICEF) ang kalagayan ng mga batang apektado nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Binigyang diin ng unicef na nahaharap sa peligro at posibleng pagkakaruon ng respiratory problems pati na rin ng water borne at vaccine preventable diseases ang mga batang nakatira sa danger zones at nasa evacuation centers.
Posible anilang mahawahan pa ng COVID-19 ang mga bata sa evacuation center kasama ang kanilang pamilya lalo pat inaasahang siksikan dito bukod pa sa limitado ang pasilidad sa personal hygiene at kawalan ng access sa personal protective equipment.
Sinabi pa ng UNICEF na maaaring ma-stress ang mga nasabing bata kayat kailangang isailalim sa psychosocial interventions ang mga ito.
Tiniyak ng UNICEF ang tulong sa Pilipinas para ma protektahan ang mga bata kasabay ang nakakasa nang emergency supplies sa mga apektadong lugar.