Nagbabala ngayon ang UNICEF kaugnay sa panganib na dala ng polusyon partikular ng sa hangin sa mga sanggol.
Lumalabas sa pag-aaral na 17 milyong sanggol sa buong mundo ang exposed sa maruming hangin na posibleng makaapekto sa brain development ng mga ito.
Pinakaapektado ang mga sanggol na nasa South Asia na aabot sa 12 milyon at ang natitirang apat (4) na milyon ay ang mga nasa East Asia Pacific.
Ayon sa UNICEF ang exposure sa maruming hangin ay posibleng makasira sa brain tissue ng mga sanggol na nagpapabagal sa kanilang cognitive development.
Iniuugnay din ito sa pagkakaroon ng mababang test scores ng mga estudyante, masamang epekto sa verbal at non-verbal IQ ng mga bata, memorya at maging sa iba pang behavioural problems.
Nangangamba ang UNICEF na kung hindi matutugunan ang problema sa malawakang urbanization sa mundo ay posibleng mas marami pang sanggol ang malagay sa panganib.
Nanawagan ang UNICEF ng ilang hakbang para makaiwas sa maruming hangin: una ay ang paggamit ng facial mask, ng air filtering system at para sa mga bata, ang hindi pagbiyahe sa mga lugar na malala ang polusyon.