Pinagiingat ng UNICEF Philippines ang bansa sa planong pagbubukas ng face to face classes ngayong taon.
Ayon kay Isy Faingold, pinuno ng Education World ng UNICEF Philippines, dapat dahan dahanin at gawing voluntary ang pagbubukas ng klase bagamat ang Pilipinas na lamang at Venezuela sa buong mundo ang hindi pa nagbabalik sa face to face classes.
Sinabi ni Faingold na dapat kumuha ng idea ang Pilipinas sa ibang bansa kaugnay sa pagbabalik ng face to face classes sa mga ito.
Tinukoy ni Faingold ang Kuwait na nagbukas ng in person classes sa mahigit 1,000 eskuwelahan nito at piling grade levels lamang sa Bangladesh.
Uubra na ring magbalik sa face to face classes ang mga magaaral na naturukan na ng dalawang dose ng bakuna sa Saudi Arabia.