Nanawagan United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga bata at buntis na inilikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ayon kay UNICEF Representative Lotta Sylwander, ang mga bata at mga nagdadalantao ang pinakabantad sa tuwing may kalamidad gaya ng pananalasa ng bagyo.
Kasabay nito, nagpahayag naman ng kahandaan ang UNICEF sa pagtulong sa mga maapektuhan ng bagyo.
Bago pa man tumama ang bagyo, nakapreposisyon na ang supplies ng UNICEF na nakalaan para sa may 12,500 na pamilya.