Nagpahayag ng pangamba ang UNICEF Philippines o United Nations Children’s Fund sa epekto ng war on drugs ng Duterte administration sa mga batang Pilipino.
Sa statement ni Lotta Sylwander, Philippine Representative sa UNICEF, binigyang diin nito na ang interes ng bawat bata ang dapat maging gabay sa bawat aksyon ng pamahalaan.
Ang anumang programa aniya o kampanya na magdadala ng panganib sa karapatan ng bawat bata ay hindi naaayon sa responsibilidad ng bansa bilang signatory sa Convention on the Rights of the Child.
Tinukoy ni Sylwander ang kaso ng 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos na napatay ng mga pulis sa kanilang anti-illegal drugs operations sa Caloocan City.
Kasabay nito ay nanawagan si Sylwander ng patas na imbestigasyon sa pagkamatay ni Kian Loyd bilang garantiya ng gobyerno na ang karapatang pantao ng bawat bata ay nabibigyan ng proteksyon sa Pilipinas.
By Len Aguirre