Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na mayroong pinakamalaking paglobo sa bilang ng mga nagkakasakit ng measles o tigdas.
Batay ito sa naging UNICEF o United Nations Children’s Fund kasunod ng pagsampa sa alarming high level ng measles sa buong mundo.
Ayon sa UNICEF, Ukrain, Pilipinas at Brazil ang may pinakamalaking itinaas sa bilang ng nagkakasakit ng tigdas sa loob lamang ng isang taon.
Sa bansa batay sa DOH, umabot na sa 15,599 ang nagkasakit ng tigdas mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon kumpara sa 2,407 na kaso nuong 2017.
Una nang idineklara ang measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas at Central Visayas.