Isang unidentified flying object (UFO) ang namataan sa ilang lugar sa Pangasinan.
Nakunan ng litrato ng ilang residente sa Sison, Mangaldan, Villasis, Natividad, San Nicolas, San Quintin, Tayug ang nasabing air vessel.
Kabilang sa mga nakakita sa pamamagitan ng telescop si dating Calasiao Mayor Roy Macanlalay dakong alas dos ng hapon noong Martes.
Nagtagal umano ang air vessel sa himpapawid nang halos apatnapu’t limang minuto bago tuluyang naglaho.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Armed Forces of the Philippines at itinuro ang Department of National Defense na dapat hingan ng komento.
Batay sa pagsisiyasat ng DWIZ, ang nasabing air vessel ay may pagkakahawig sa tethered aerostat radar system (TARS), na tinatawag ding spy blimp na idineliver ng U.S. sa Philippine Navy noong 2017, layuning makapangalap ng impormasyon mula sa airspace.
Mayroon ding ganitong kahalintulad na air vessel ang China na idineploy naman sa West Philippine Sea.