Tiwala ang sugar producers group na United Sugar Producers Federation (UNIFED) na hindi maisasakatuparan ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat muli ng asukal.
Partikular ito ng Memorandum Order Circular no. 77 na nilagdaan ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, na layong irekomenda sa Minimum Access Volume (MAV) Advisory Council na agarang mag-angkat ng 64,050 metric tons ng refined sugar.
Sa panayam ng DWIZ kay UNIFED President Manuel Lamata, sinabi nito na natuwa siya sa pahayag ni Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez kung saan inamin nito na hindi pa pinal ang memorandum.
Dahil dito, may pagkakataon sila na makausap si Pangulong Marcos upang huwag aprubahan ang rekomendasyon, sa pamamagitan ng pagpapaabot ng sulat.