Inihayag ni Senate Presidente Tito Sotto III na sana ay pinag-aralan munang mabuti ang alok na ‘unification formula’ ni Senador Ping Lacson kay Vice Presidente Leni Robredo.
Ayon kay Sotto, tapat at hindi makasarili ang naturang alok na unification formula ng senador.
Pero, nirerespeto ani Sotto ang desisyon ni Robredo at sinabing ang naturang tugon ng opisyal ay indikasyon lamang na may iba itong naiisip na plano o paraan.
Magugunitang, iminungkahi ni Lacson na pareho sila mag-file ng Certificate of Candicacy (COC) pero sa bandang huli, kung sino ang malakas na contender ay siya aniya ang gagawing pambato.
Habang ang mahina sa dalawa naman ay aatras bagay na hindi naman pinaboran ni Robredo.