Hindi pa maipatutupad ngayong buwan ng Mayo ang unified ticket system sa Light Rail Transit o LRT Line 2.
Ito’y dahil hindi pa umano natatapos ang end-to-end tests sa lahat ng mga istasyon ng mass rail transit system.
Paliwanag ni AF Payments Incorporated CEO Peter Maher, nais nilang matiyak na handa na ang automated ticketing system kaya’t isinasagawa nila ang mga kaukulang tests.
Ayon pa kay Maher, pangunahing tinututukan ang technical issues, full system acceptance at customer satisfaction.
By Jelbert Perdez