Positibo ang OCTA research group na magkakaroon ng epekto ang pagpapatupad ng uniform curfew hours para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, posibleng makita ang resulta ng 2-week curfew sa National Capital Region (NCR) ngayong linggo.
Inaasahan aniya nilang bababa ang reproduction number ng kaso kahit hindi man gaanong kalaki ang mabawas dito.
Malaki kasi aniyang bagay na mabawasan ang bilang ng taong lumalabas sa kani-kanilang bahay.
Mahalaga rin umano na sa bawat hakbang na ginagawa ng gobyerno, ay nakatutulong para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.