Inihirit ni Interior Undersecretary Epimaco Densing sa mga Metro Manila mayors na magpatupad ng iisa o uniform curfew hours para hindi malito ang publiko rito.
Sa suhestyon ni Densing, nais nitong simulan ng mga lungsod sa Metro Manila sa alas-10 ng gabi ang kanilang curfew at magtatagal hanggang alas-5 ng madaling araw.
Paliwanag nito, may ilan kasing mga manggagawa na kailangang pumasok o kaya’y tumawid sa isang lungsod na iba ang umiiral na curfew hours.
Kasunod nito, inaasahan nang mas maraming kapulisan pa ang ipakakalat para masigurong maipatutupad ang mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.