Nakatakdang talakayin ng Metro Manila Mayors kung papayagan ang mga menor de edad at senior citizen na lumabas sa gitna ng pagpapatupad ng alert level 3 sa Metro Manila.
Batay sa pinakahuling na datos na inilabas, pinagbabawalan pa rin lumabas ang mga kabataan at senior citizen sa lungsod ng Valenzuela, Quezon City, Pateros, San Juan at Paranaque.
Sa lungsod ng San Juan, pinapayagan lamang lumabas ang mga kabataan pero para lamang sa essential activities.
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, lilinawin niya sa kanilang isasagawang pagpupulong kung papayagan ang mga bata na kumain sa mga restaurant at sa ilang public areas.
Sa kabilang dako, sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na sisikapin ng Metro Manila Mayors na magkaroon ng uniform policy para sa NCR kaugnay pa rin sa naturang isyu.
Aniya, mahirap kung dedepende sa bawat LGU dahil magbibigay ito ng kalituhan sa mga mamamayang pilipino.