Welcome development sa Malacañang ang deklarasyon ng CPP-NPA-NDF ng unilateral ceasefire.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hangad ng Malacañang ang isang mapayapang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa bansa.
Umaasa din aniya ang Malacañang na paninindigan ng CPP-NPA ang kanilang mga salita at tatalima sa unilateral ceasefire.
Sa huli, tiniyak ni Roque sa publiko na mananatiling nakaalerto ang tropa ng pamahalaan para mapangalagaan ang kaligatasan ng publiko sa panahon ng Pasko.
—-