Binawi na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklarang unilateral ceasefire sa CPP-NPA o Communist Party of the Philippines – New People’s Army.
Ito ang galit na inihayag ng Pangulo bilang tugon sa pagbasura ng CPP-NPA sa ceasefire at halos sunud-sunod na pag-atake ng mga rebelde na ikinasawi na ng 6 na sundalo.
Ayon sa punong ehekutibo, isang pambabastos sa peace talks ang sunud-sunod na pag-atake ng mga komunistang rebelde sa mga tropa ng gobyerno.
Ibinabala rin ni Pangulong Duterte na nanganganib ang usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front o NDF-CPP-NPA hanggang sa mga susunod na henerasyon.
“Ni-lift ko yung ceasefire tonight, ang ibig sabihin gusto niyo another 50 year? Wala nang katapusan? Eh kung wala nang katapusan, di sige, but let it that be said that I did not try, so I guess that peace with the communist cannot be realized during our generation maybe years for now.”
“Ayaw kong magpatayan pero kung ganun lang naman, na ang mga sundalo ko pinagpapatay, resume tayo anytime.”
By Drew Nacino