Patuloy na sinusunod ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang unilateral ceasefire sa NPA o New People’s Army.
Tiniyak ito ni Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP kasunod ng engkuwentro ng mga sundalo at NPA sa Makilala North Cotabato.
Ayon kay Padilla tumugon lamang ang mga sundalo sa isang aktibong reklamo ng isang mamamayan doon laban sa isang grupo na nangingikil sa kanilang kumpanya.
Kasabay nito, itinanggi ni Padilla ang mga ulat na walong sundalo ang nasawi sa nangyaring engkwentro.
Halos kasabay ng nangyaring engkuwentro ang pagsisimula ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NDF sa Rome Italy kung saan inaasahang mapag-uusapan ang bilateral ceasefire.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)