Kasado na ang 12 araw na tigil putukan sa pagitan ng militar at ng rebeldeng New People’s Army ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang unilateral ceasefire sa pagitan ng 2 kampo batay na rin sa naging rekomendasyon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Epektibo ang unilateral Suspension of Military Operation o SOMO mula hatinggabi ng Disyembre 23 hanggang magha-hatinggabi ng Enero 3 ng susunod na taon.
Una rito, nagdeklara na rin ng tigil putukan ang panig ng New People’s Army sa militar na naglalayong makapagdiwang ng isang mapayapa at tahimik na kapaskuhan.
By: Jaymark Dagala