Kontra ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) sa pagkuha umano ng permit ng mga organizers bago makapagtayo ng community pantry.
Binigyang diin ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua, pagulo ng ULAP, na maraming mapagbabawalang tumulong sa mga kapwa nila Pilipino sa panahon ngayon kung pahihirapan pa ang proseso.
Marami aniyang nangangailangan na matutulungan ng mga community pantry at magtiwala na lamang sa mga mamamayan dahil makikita ng mga ito kung may ibang motibo ang organizers ng community pantries.
Sinabi ni Cua na maaaring sa barangay na lamang ipaalam ang pagnanais na makapagtayo ng community pantry na paraan nang pagpapakita ng bayanihan ng mga Pilipino.
Gayunman, inihayag ni Cua na dapat mahigpit na masunod ang health protocols para na rin sa kaligtasan ng lahat.